Paano nga ba nabuo ang pamagat na “the world without strangers?”. Kumakain
ako with my special someone sa isang food chain and then suddenly bigla niyang
napansin yung suot kong t- shirt, pinuri niya yung mga salitang nakapaloob
dito at biglang sambit na maari daw iyon maging tema sa pasko ng pagbabahagi
8, at ako naman tango ng tango at sumasang ayon sa naisip niya. Pero ang pinaka
kahulugan ng pamagat na ito ay ang hindi pagiging mapili sa mga pakikisamahan,
pakikisalamahuan. Ibig sabihin nito dapat lagi parin nating isa puso’t isipan
na ginawa tayo ng diyos na pantay pantay at wala tayong karapatang humusga ng
kapwa natin dahil sa kung ano ang estado nito, sa kulay, ugali o itsura paman
nito.
Noong
una kong nalaman na ang mga tamaraw volunteers ay aktib sa pag panhik sa lugar
ng sitio malasya upang magturo, tumulong sa komunidad, doon agad akong
nabuhayan at biglang na excite, dahil kilala ko ang sarili ko na pagdating sa
mga ganoong bagay alam ko na dapat mainvolve din ako sa mga ganong aktibiti ‘di
dahil para lang ma experience ito kundi para makakita at tuluyang mabuksan ang
aking mga mata at maipaalala sa sarili ko na mayroong mga tao padin ang
nangangailangan ng tulong o atensyon para sa ikabubuhay nila. kasi sa
henerasyon naming ngayon, kakaunti na lamang ang mga taong may PAKIELAM sa
kapwa nila, kakaunti na lang ang mga kabataang katulad ko na may PAKIELAM sa
kapwa ko, sa mga nangangailangan ng suporta at atensyon. Kahit hirap na hirap
ako umisip ng paraan para lang makasama at mapayagan kahit alam kong hindi na
agad sila papaya kapag sumubok ako ang inisip ko na lamang ay ang pagtakas.
Inisip ko na ano ba naman ang isang pagtakas at isang sermunan sa pagtulong sa
mga kabataan ng ilang komunidad sa sitio malasya na kung saan ay kailangang
kailangan ng atensyon at tulong.
Ang
hindi matatawarang kaganapang ito sa aking buhay ay maibabaon ko hanggang sa
aking pagtanda, sa simpleng pagsasakripisyo sa sariling kaartehan na kung saan
nakapagdulot ng di matatawarang ngiti na ipinakita ng mga kabataan sa malasya
ang nag aalis ng pagod sa pagtawid sa apat na bundok, dalawang ilog at isang
tulay. Masasabi
kong hindi pa ito ang una at huli kong pakikisama sakanila. Minsan sa ating
buhay kailangan nating gumawa ng bagay o gawin ang mga bagay na hindi pa natin
nagagawa kahit ano pa ang maging kapalit nito, dahil naniniwala akong masasabi
mong nabubuhay ka kapag nakagawa ka ng mga bagay na hindi mo pa nagagawa noon
at nagdulot sayo ng pagbabago masama man o hindi, dahil sa pamamaraan o sa mga
pangyayaring iyon doon mo mas lalong na aappreciate ang buhay mo.
Mayroon
akong hinandang tula na maghahayag kung ano ang aking naramdaman pagkatapos
naming pumanhik at sa aming pagbaba.
“Apat na bundok, dalawang ilog at isang tulay”
Apat na bundok, dalawang ilog at isang tulay papuntang
malasya
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay buhay na Malaya
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay salubong sayo’y ngiting wagas
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay salubong sayo’y handang sopas
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay maraming komunidad ang natulungan
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay puro bahay kubo ang tirahan
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay kawalan ng kuryente’y ‘di ikamamatay
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay kuntento sa kanilang pamumuhay
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay kakaunting sakripisyong naibigay
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay sobrang kasiyahan ang naibigay
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay kasiyahang ‘di malilimutan
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay hanggang sa pagtanda’y ‘di
makakalimutan
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay ala-alang kailanman ay babaunin
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay makaka asang ito muli ay gagawin
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay kabataang walang pinipiling tulungan
Apat
na bundok, dalawang ilog at isang tulay karapat dapat na parangalan.
By: Wilfred Villanueva
Disclaimer: We got the permission to post this online from its author
No comments:
Post a Comment