Saturday, June 22, 2013

Unang beses

Anong pakiramdam ng umakyat sa bundok? Nakakapagod ba? Mahirap? Ilan lang ‘to sa mga tanong na umiikot sa utak ko bago ang immersion. Nakaka excite sobra. Hindi ko pa alam kung paano ko ipapaalam sa magulang ko na aakyat kami ng bundok, dahil alam ko din namang hindi ako papayagan. Pero gusto ko e, pinilit kong sumama kahit hindi nag papaalam. Sabi nga nila hindi ka pa certified TamVol kung hindi ka pa nag i-immersion.
Sobra talaga akong na e-excite. First time ko ‘to! Natatakot pa ko na baka hikain pa ko habang paakyat kami. Pero buti nalang hindi. Ang dami naming dalang pag kain na pwedeng kainin sa daan, at tubig. Siguro ganito talaga kapag first timer ka, kahit sobrang bigat na sa bitbit mong bag, dadalin mo padin kasi natatakot kang mag kulang.
Ito na. Kadalasang tanong dyan, bakit ka umaakyat? Habang nasa daan kami, may mga kasamahan kaming nag babahagi ng kanilang karanasan. Natanong ko kung anong pinag kaiba ng pag akyat nila sa bundok sa ibang organisasyon, sa pag akyat ng bundok ng TamVol. Ang sabi nya, sa ibang org daw pang sariling kapakanan lang. Puro saya, bonding sa mga kasama, gala at kung ano ano pa. Samantalang sa TamVol, umaakyat ka para sa ibang tao. Umaakyat ka kasi may misyon kang gagawin. Umaakyat ka kasi kelangan ka nila. Hindi mo dapat iniisip ang sarili mo sa pag akyat mo. Kasi dapat ang mas iniisip mo yung mga taong nag hihintay sayo sa taas ng bundok.
Tama si kuyang nag bahagi ng kanyang karanasan. Tumatak sa utak ko yun. Pero para sakin kasi, parang full package na sya. Nag enjoy ako, naka bonding ko mga ka officers ko, yung alumni, at the same time nakapag pasaya ako ng ibang tao. Lalo na sa mga bata naka laro namin. Pakiramdam ko habang nakikipag laro ako sakanila, para akong bumalik sa pag ka bata. Ang gaan lang sa pakiramdam na may mga tao padin na napapasaya mo kahit sa napakasimpleng pamamaraan lang.
Sabi nuon ng mga matatanda, swete daw ako/kaming nasa Manila kasi kami nakukuha naming gusto namin, nakakapag aral kami, may kuryente, maraming pwedeng paraan para kumita, pwedeng mag negosyo. Hindi katulad sa bundok na limited lang ang pwedeng gawin. Walang paaralan, walang kuryente. Pero bakit ganun, parang mas okay tumira sa ganung lugar. Kasi sa bundok, nakapa simple ng pamumuhay. Tahimik, malayo sa gulo, malayo sa pulusyon. Parang mas wala ka pa ngang problema sa ganung lugar e. Sobrang payapa ang pamumuhay dun. Hindi katulad dito sa Manila, nasayo na nga ang lahat, nag hahanap ka pa ng iba. Marami kasing taong hindi kuntento sa kung ano meron sila.Sa bundok kung anong meron dyan, masaya na sila.
Kamusta naman pag akyat baba namin? Nakakapagod sobra. Daming stop over. Kwentuhan habang nag lalakad kaya parang hindi rin namin napapasin na mahaba na pala nalalakad namin. Na naka lampas na pala kami ng apat na bundok. Kahit ako sa sarili ko, hindi ko akalain na kakayanin ko palang umakyat sa apat na bundok na yon. Masayang karanasan sobra, ang dami ko na palang nagawa na hindi ko naman inaasahan na kakayin kong gawin. Sana talaga maulit ko pa yun, hindi ako mag dadalawang isip na sumama muli kapag umakyat sila ulit doon.
Dapat laging tandaan, sa bawat ginagawa natin, kailangan natin itong isa-puso. Gawin ito ng bukal sa loob at hindi para may magawa lang. Kasi kung gagawa ka ng isang bagay na hindi mo naman gusto, kada pag hihirap ng madadaanan mo madali kang susuko. Madali kang bibitaw sa prinsipyong pinang hahawakan mo.
Kaya sana maka sama muli ako sa susunod nilang pag akyat. Mag dadala ulit kami ng panibagong saya sa mga dumagats, lalong lalo na sa mga bata.

by: Paula Lee O. Esquijo


Disclaimer: We got the permission to post this online from its author.             

           



No comments:

Post a Comment